Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bagong halal na barangay chairmen na gawin ang kanilang parte sa pagpoprotekta sa mga Pilipino mula sa ilegal na droga at terorismo.

Ito ang ipinahayag ni Duterte nang panumpain niya ang mga bagong pinuno ng barangay sa Zamboanga Peninsula sa Molave, Zamboanga Del Sur.

Sa kanyang mensahe nitong Martes ng gabi, muling nagbabala si Duterte na kakasuhanang incompetent na mga punong barangay.

“Trabaho kayo. Bigyan ko kayo ng armas. But I want terrorism and drugs [eradicated]. I will have an audit. And if you are not at par, I will file charges against you for incompetence. Ayaw kong gawain ‘yan,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“You have to defend the country. You protect the people of the Republic of the Philippines. ‘Yan ang trabaho ko, trabaho ninyo, trabaho nating lahat. I expect you to, of course, give your best,” dugtong niya.

Muling binanggit ng Pangulo ang plano niyang armasan ang mga opisyal ng barangay. Gayunman, sinabi niya na kailangan muna niyang konsultahin ang kanyang Gabinete.

Nilinaw din niya na hindi bibigyan ng matataas na kalibre ng baril ang mga opisyal.

“I will consult the Cabinet pero ang aking proposal, no heavy firearm. Shotgun lang,” aniya.

-ARGYLL CYRUS GEDUCOS