HINDI magka-love team sa Contessa sina Jak Roberto at Glaiza de Castro at hindi rin love team ang pagpapakilala kina Barbie Forteza at Derrick Monasterio sa Inday Will Always Love You, kaya walang rason para mahirapan si Jak na sagutin ang tanong ng mga reporter kung girlfriend niya si Barbie.

Jak copy

Alam naman ng lahat ang relasyon nina Jak at Barbie, pero nang unang pabirong tanungin tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ng aktres ay nag-alangan si Jak.

Inamin din later on ni Jak na kaya ayaw niyang sagutin ang mga tanong sa kanila ni Barbie ay dahil pareho silang may umeereng show. Saka lang nagsalita si Jak nang ipaliwanag ng mga reporter na hindi maaapektuhan ang Contessa at Inday Will Always Love You ng relasyon nila ni Barbie dahil tanggap ng fans na wala silang relasyon ni Glaiza at walang relasyon sina Barbie at Derrick.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dahil nakulit ng mga reporter, umamin na rin si Jak na going strong ang one year relationship nila ni Barbie. Dumadalaw daw siya sa bahay nito at nito nga lang ay binigyan niya ng puppy ang girlfriend. Chi Chi ang ipinangalan nila sa pet dog. Pero hindi lang ‘yan dahil binigyan ulit ni Jak ng isa pang aso si Barbie. Ito ay dahil daw para may makalaro si Chi Chi, si Bruno.

Anyway, sabi ni Jak, masaya siya na mapasama sa cast ng Contessa: “Sobrang honored ako na mapabilang sa mga beteranong artista sa industry. Natsa-challenge ako ‘pag maganda ang kaeksena ko, napipilitan akong sumabay. Hindi man ako sumabay, at least, ‘di ako lalamunin,” sabi ni Jak.

Maayos din ang working relationship nina Jak at Glaiza. Komportable siyang katrabaho ang aktres na love interest niya sa Contessa. At aniya ay sinusuportahan at inaaalalayan siya nito sa ilang eksenang nahihirapan siya.

Dahil sa Contessa, na-realize ni Jak na mas komportable siya sa pag-drama at drama na ang gusto niyang gawin.

Hindi pa man kumpirmado ay mukhang mae-extend ang Contessa, kaya matagal pang mapapanood ng fans si Jak bilang si Jong na nagmamahal kay Contessa (Glaiza). Sina Albert Langitan at Rado Peru ang mga direktor ng serye.

-Nitz Miralles