Mahigit P15 milyon pabuya ang tinanggap ng operating units at 12 civilian informants ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa awarding activity sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City, kahapon.
Sa report ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, umabot sa P7,594,992.24 ang tinanggap na pabuya ng mga operatiba ng PDEA operating units dahil sa kanilang meritorious anti-drug operations.
“These PDEA operating units received cash rewards under PDEA Operation: ‘Lawmen’, an incentive program for law enforcers or members of the anti-illegal drug units/teams or task forces, including the support unit/s after the conduct of laudable anti-drug operations,” sabi ni Aquino.
Kasabay nito, tumanggap naman ang 12 civilian informants ng P7,389,508.52.
Mismong si Dir. Gen. Aquino ang nag-abot ng pabuya sa 12 sibilyan na kinilala sa name code na Ador, Sakuragi, Mike, Jacpat,
Tangali, Bungo, Agila, Kulas, Kidlat, Ex-Boy, Abo at Sandro, bandang 10:00 ng umaga.
Ay o n k a y Aq u i n o , nararapat bigyan ng pabuya ang mga sibilyan sa ibinigay na impormasyon ng mga ito na naging sanhi ng pagkakaaresto ng 25 drug personalities, pagsira sa mga pagawaan ng shabu, at pagkumpiska sa mahigit P4 bilyon halaga ng shabu at marijuana.
-JUN FABON