ISINUGOD si Heather Locklear sa ospital nitong Lunes, ilang oras makaraang makapagpiyansa sa kulungan, nang maaresto sa kasong misdemeanor battery, nitong Linggo ng gabi.

Heather

Ayon sa ulat ng Entertainment Tonight, sinabi ng tagapagsalita para sa Ventura County Sheriff’s Office rito na: “We did go to her house this afternoon about 3 p.m. along with fire department and ambulance personnel and when everyone arrived on scene they determined that it was a medical issue and a patient was transport from the house to a local hospital.”

Rumesponde ang pulisya sa bahay ni Heather sa Thousand Oaks, California, nang makatanggap umano ng tawag ang mga pulis mula sa isang tao, na-overdose ang aktres, ayon sa report ng TMZ.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ito naganap isang araw makaraang manipa ni Heather ng pulis habang inaaresto siya sa kanyang bahay. Sinabi ng Ventura County Sheriff’s Office sa ET na unang ipinatawag ang mga pulis dahil sa unknown disturbance sa kanyang bahay, saka lang nabatid ng mga awtoridad na isa itong domestic disturbance, pagdating sa bahay ng aktres.

Ayon sa pulisya, inaawat ng mga officer si Heather mula sa iba pang sangkot sa gulo, nang bigla nitong sipain ang isang deputy na nag-iinterbyu sa kanya, na nauwi sa kanyang pagkakaaresto.

Binanggit din ng Sheriff’s Office sa ET na nais lamang ng mga pulis na malaman ang kondisyon ni Heather dahil sa labis niyang kalasingan. At habang sinusuri siya ng EMT ay sinipa niya rin ito.

Samantala, isiniwalat ng source sa ET nitong Linggo na inaasahang ibabalik sa rehab si Heather pagkatapos ng kanyang pagkakaaresto, at nabunutan umano ng tinik ang pamilya dahil sa wakas ay sasailalim na ulit siya sa gamutan.

Una siyang ipinasok sa rehab noong Marso, kasunod ng kanyang pagkakaaresto noong Pebrero dahil sa domestic dispute na namagitan sa kanila ni Chris Heisser, boyfriend niya.

Ito ang pangalawang pagkakataon na naospital ang aktres sa nakalipas na dalawang linggo. Nitong Hunyo 17, isinugod sa ospital si Heather nang tumawag ang isa niyang kapamilya sa pulisya na siya umano ay “acting erratically” at “threatened to kill herself.” Makaraan ay sumailalim siya sa psychological evaluation.