MATAPOS ang palitan ng maaanghang na salita between revered director Mike de Leon at ng broadcast/journalist at first-time actor na si Atom Araullo, nagtatanong ang marami: will they ever work together again o tatalikuran na ni Atom ang pagiging aktor?

Atom copy

Directorial comeback ni Direk Mike ang Citizen Jake, na ang title role ay ipinagkatiwala kay Atom. Aminado naman ang dalawa na hindi naging maganda ang kanilang working relationship.

Tiniyak ni Direk Mike na malabong magkasama silang muli ni Atom sa proyekto, at dasal niya na huwag na sanang magkrus pa ang kanilang mga landas, dito man o sa after life.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, lalo namang tumaas ang respeto ni Atom sa mga aktor. “Marami tayong magagaling na aktor na kung titingnan mo ay parang napakadaling umarte. It takes so much effort para maging credible ang iyong pagganap, I was guided well and I am thankful for that,” sabi ni Atom.

Hindi prioridad para kay Atom ang pag-aartista. Mas pinapaboran niya ang mag-ulat at gumawa ng documentaries, na ginagawa niya sa Kapuso network.

Gayunpaman, open siya na gumawa muli ng makabuluhang pelikula, tulad ng Citizen Jake.

Gusto rin niyang mag-direk ng documentary bilang panimula, and later on ay full-length movie.

-REMY UMEREZ