Nanindigan kahapon si Justice Secretary Menardo Guevarra na ipagpapatuloy pa rin ng Department of Justice (DoJ) ang pag-iimbestiga sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam.

Paliwanag ni Guevarra, inatasan na niya ang National Bureau of Investigation (NBI) na ituloy ang fact-finding investigation sa kaso.

Ito ay sa kabila ng pagkabigo ng NBI na mahanap ang ilang orihinal na papeles na kabilang sa mga ebidensya sa kaso.

“The NBI is having some difficulty because some original documents could not be found anymore for some reason I was informed. But that should not really be an obstacle because these documents can be reconstructed and could still be retraced somehow,” aniya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Aminado rin si Guevarra na sa pagkakataong ito ay mas mahirap ang isasagawang imbestigasyon kumpara s a mga naunang pagsisiyasat.

Binanggit din ng kalihim ang kaso ng umano’y mastermind sa scam na si Janet Lim-Napoles, na inaasahan niyang mikipagtulungan pa rin sa imbestigasyon kahit hindi na ito saklaw ng Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan.

-Rey G. Panaligan