Sa rehas ang bagsak ng isang lalaki matapos umanong mahulihan ng ilegal na droga sa loob ng isang sementeryo sa Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang suspek na si Joel Pulga, nasa hustong gulang, ng Barangay San Miguel, Taguig City.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente sa Serenity Cemetery sa Bgy. San Miguel ng nasabing lungsod, dakong 12:30 ng madaling araw.

Naglunsad ng anti-illegal drugs operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Taguig Police sa Bgy. San Miguel nang mamataan ang suspek sa madilim na bahagi sa sementeryo at sinita ng mga pulis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang kapkapan, nasamsam kay Pulga ang isang pakete ng umano’y shabu.

Nakapiit ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (Republic Act 9165).

-Bella Gamotea