WALA talagang kapaguran itong si Sylvia Sanchez dahil two weeks ago lang ay nanggaling siya sa Butuan City para sa grand opening ng Skin & Beyond by Beautederm. Balita pa namin, araw-araw ay malakas ang benta nito, na matatagpuan sa Lifescale Building sa J.C. Aquino Avenue.

Sylvia

Ilang araw siyang nanatili sa Manila para sa kaarawan ng bunsong anak na ba­bae na si Gela, at lumipad na naman siya papuntang Cebu para sa isang business meeting.

Pero bago dumiretso sa Cebu ang aktres ay dumaan muna siya sa Bohol, kasama ang ilang kaibigan para mag-sightseeing.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Natawa kami sa post ni Ibyang habang nakikipagtitigan sa Tarsier, dahil pareho silang malaki ang mata: “Sino kaya ang unang kukurap sa ating dalawa? #palaki­hanngmata #MagkamagAnaksaMata #malakingmata #makuhakasatingin #mu­lat #lagat #budlat #beautifuleyes #SYL­VIAHera #Cebu&BoholEscapades #tam­semommas #happiness #blessed #grate­fultreasures #priceless #thankuLORD Happy morning.”

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay nasa Cebu na ang aktres, at kinu­kulit namin siya kung plano rin niyang magtayo ng Beautederm Clinic doon dahil madalas naman siyang pumupunta roon. Ayaw naman niya kaming sagutin.

Hmm, feeling namin na manggugulat na lang itong si Sylvia, dahil mayroon na siya sa Mindanao area, kaya Visayas naman ang target niya at ihuhuli niya ang Luzon.

Anyway, hindi lang sa Pilipinas planong maging distributor ni Ibyang at magtayo ng clinic, dahil may mga inquiry na rin siya sa ibang bansa at isa sa mga araw na ito ay lilipad naman sila ng CEO at Presidente ng Beauted­erm na si Ms Rei Tan para sa meeting.

Kapag wala sa harap ng TV camera si Ibyang ay pagnenegosyo naman ang inaasikaso niya, para hindi masayang ang pa­nahon niya na walang ginagawa.

“Oo tumataba ako kapag nasa bahay lang ako. Wala kasi akong ginawa kundi magluto at kumain. Eh, napa­pagalitan na nga ako ng boss ko (ABS-CBN executive) kasi ang taba-taba ko na, eh, may serye raw akong gagawin next year,” katwiran ng aktres.

Bukod sa serye ay may indie film siyang gagawin kasama ang anak na si Arjo Atayde, bandang Agosto ngayong taon.

Speaking of Arjo ay natu­tuwa si Sylvia dahil nabigyan ng challenging role ang anak sa upcoming teleserye ng Dreamscape Entertainment na The General’s Daughter, sa pangunguna nina Ms Maricel Soriano, Ryza Cenon, Janice de Belen, Eula Valdez, Kim Molina, JC de Vera, Paulo Avelino, Cholo Barretto, Albert Martinez, Tirso Cruz III, at Angel Locsin.

Nasulat na gaganap ang aktor bilang may autism na anak ni Maricel, at mahalaga ang papel niya sa serye.

“Masaya ako for Arjo siyempe kasi ‘yung mga nakatrabaho ko noong araw tulad ni Maricel, heto anak ko na ang katrabaho niya. Na­kakatuwa, ‘di ba?,” masayang sabi ng aktres.

-Reggee Bonoan