Hinikayat ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang mga manggagawa na isumbong ang mga kumpanyang lumalabag sa Anti-Age Discrimination in Employment Act.

Sinabi ni Nicanor Bon, program at policy division chief ng Bureau of Working Conditions (BWC), na ipinagbabawal ng batas ang mga employer na magtakda ng mga limitasyon sa edad sa mga bakanteng trabaho sa advertising sa media, pagkaitan ng pagsasanay ang isang empleyado, at magpataw ng maagang pagreretiro dahil sa kanilang edad.

Ipinaalala ng DoLE na may multang P50,000 hanggang P500,000 o pagkabilanggo na 3 buwan hanggang 2 taon ang mga employer na lalabag sa batas.

-Mina Navarro
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony