Sa loob lang ng dalawang oras ay humupa na ang malawakang pagbaha sa Metro Manila, kasunod ng malakas na pag-ulan nitong Huwebes.

Ito ang ipinagmalaki kahapon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Officer-in-Charge general manager Jose Arturo Garcia.

Aniya, resulta ito ng pagsisikap ng mga ahensiya ng pamahalaan na linisin ang mga daluyan, idagdag pa ang paggana ng mga pumping station.

“Before, flash floods take around a day in order for it to subside. But on Thursday, it subsided quickly. Just around two hours after the downpour, the floods subsided,” paghahambing ni Garcia.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Aniya, nagpadala ang MMDA ng apat na truck sa mga binahang lansangan sa Metro Manila upang pasakayin ang mga stranded na pasahero.

-Jel Santos