NAKAKATUWA ang ipinost na picture ni Aiko Melendez, nagpaka-fan siya at ang boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun nang makita ang mag-asawang George Clooney at Amal Clooney habang nagbabakasyon sila sa Amerika.

Aiko copy

Nakuhanan ng picture sina Aiko at BF nito. Kumakaway ang aktres habang kinukuhanan ng picture ang mga Clooney, samantalang kumakaway at sumisigaw pa si Mayor Jay. Ang alkalde ang mas napansin sa nasabing picture.

“Highlight of our US trip! Photo bomber of George Clooney and Amal Clooney:) Lol! Pls zoom in:) This was featured in USA Today Show and magazine,” caption ni Aiko.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

May picture rin si Aiko sa harap ng New York School of Acting, at nag-caption siya rito: “Soon to be my school:) New York School of Acting and directing...It has always been my dream to become a director, I know one day just one day, it will all come true...Jesus will make it possible:).”

Kapag nagpunta ng Amerika at nawala nang matagal si Aiko, tiyak nang nag-enrol siya sa NY School of Acting para tuparin ang pangarap niyang maging direktor.

-Nitz Miralles