Arestado ang isang criminology student, pati na ang kaibigan nito, makaraang ikulong sa banyo ang tatlong bata sa Malabon City, nitong Huwebes ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) sina Ernesto Tamundono, 21, ng Block 9 Lot 32, Barangay Tañong; at Reynaldo Cruz, 27, criminology student, ng Block 12, Bgy. Tañong ng nasabing lungsod.

Ayon sa awtoridad, isa pa lang sa mga magulang ng tatlong bata ang nagsampa ng reklamo laban kina Tamundono at Cruz.

Naglalaro ng basketball ang mga suspek sa covered court sa Bgy. Tañong ng nasabing lungsod at nagkataong naglalaro rin ang tatlong bata sa lugar, bandang 5:20 ng hapon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagalit umano ang mga suspek sa tatlong bata dahil naiistorbo ang kanilang paglalaro.

Biglang hinatak ng mga suspek ang tatlong bata at ikinulong sa banyo ng covered court.

Nakalabas lamang ang mga bata nang pakawalan sila ng isa nilang kalaro at agad nagsumbong sa mga magulang hanggang sa ipinaaresto ang mga suspek.

-Orly L. Barcala