Torre, bahagi ng RP Team sa Batumi Olympiad

NAHILA ni Grandmaster Eugene Torre ang marka sa Team Philippines nang muling mapabilang sa koponan na isasabak sa 43rd World Chess Olympiad sa Setyembre 23 sa Batumi, Georgia.

torre

Napagkaisahan ng Board of Directors ng National Chess Federation of the Philippines na nagpulong sa Davao City kasabay ng pagbubukas ng 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship sa The Royal Mandaya Hotel, na isama ang 66-anyos na si Torre para dagdag na karanasan sa koponan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon kay Philippine Executive Chess Association (PECA) founding president Atty. Cliburn Anthony Orbe at treasurer ng National Chess Federation of the Philippines ay naisama sa line-up ng Philippine Men’s Team si Torre dahil na din sa magandang performance sa nakalipas na pandaigdigang kumpetisyon.

Nakamit ni Torre ang bronze medal sa board three sa nakalipas na Olympiad sa Baku, Azerbaijan. Ito ang ika-24 na Olympiad chess appearance ni Torre.

Naisama rin sa men’s team sina US based GM Julio Catalino “Ino” Sadorra at GM John Paul Gomez, gayundin ang mga nakalusot sa qualifying round na sina International Master Haridas Pascua, International Master Jan Emmanuel Garcia at Fide Master Mari Joseph Turqueza.

Sa panig ng kababaihan, ang outright seeded ay sina country’s first Woman GM Janelle Mae Frayna, WIM Bernadette Galas at Singapore based WIM Jan Jodilyn Fronda kasama ang nakalusot sa qualifying round na sina WFM Shania Mae Mendoza, WIM Catherine Perena-Secopito at WIM Marie Antoinette San Diego.

Daraan muna sila sa intenstive training at posible isang manlalaro sa men’s at women’s team ang hindi makakalaro sa Olympiad dahil na rin ang rules and regulation ngayon na tig-limang manlalaro na lamang sa men’s at women’s side.

Nagbigay naman ng kahandaan si 13-time Philippine Open champion GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. na tutulong sa pambansang koponan kung sakaling naisin ng chess federation na maisama siya sa coaching staff.