BUKOD-TANGING sa Pilipinas lang nagko-concert ang isang celebrity na hindi marunong kumanta. At sa maniwala kayo o hindi, laging sold out ang concert niya—sino pa, kundi si Anne Curtis!

Anne copy

Unang nag-concert si Anne sa Araneta Coliseum noong Enero 2012, entitled AnneBisyosa: No Other Concert. Makalipas ang dalawang taon ay muling nagbalik si Anne sa Big Dome for Anne Curtis, The Forbidden Concert (Anne Kapal Round 2).

Naaaliw na natatawa ang mga manonood sa pagbirit ni Anne ng mga kanta. Ang kanyang kaseksihan at change of costumes, na lalong nagpapa-sexy sa kanya, ang dahilan kung bakit patok ang concerts niya. Idagdag na rin, siyempre, ang hindi mabilang na guests singers niya, kaya naman kung total entertainment ang hanap, eh, tiyak na nasa concert ito ni Anne.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Sa pangatlong pagkakataon ay balik-Araneta Coliseum si Anne para sa Anne Kulit: Last Na ‘To, Promise, sa Agosto 18, 2018, a grand production ng Viva Live.

Ito ang unang beses na nag-concert si Anne matapos niyang ikasal kay Erwan Heusaff early this year.

-Remy Umerez