Niratrat hanggang mamatay ang umano’y drug pusher malapit sa isang tindahan sa Cainta, Rizal, kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Mission Hospital sa Pasig City si Eduardo Bociron, 37, ng No. 60 Hugo Compound, Barangay Sta. Lucia, Pasig City, ngunit nasawi rin.

Sa imbestigasyon ng Cainta Municipal Police Station, naganap ang insidente sa Dulong Parola, sa Bgy. San Andres, sa Cainta, dakong 6:30 ng gabi.

Nakatayo umano ang biktima malapit sa isang tindahan nang lapitan ng naglalakad na suspek at binaril sa ulo ang biktima bago tumakas.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Ayon sa awtoriad, posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang pagpatay dahil kilala umanong tulak ang biktima.

-Mary Ann Santiago