ZAMBOANGA CITY - Pinaniniwalaang mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang dumukot kahapon sa kapatid na babae at ina ni Talipao, Sulu Mayor Nezar Tulawie.

Sa report ng militar, sumugod sa bahay ng mga Tulawie sa hangganan ng Barangays Kandaga at Kuhaw sa Talipao, ang mga armadong lalaki, na pinaniniwalaang kasapi ng Abu Sayyaf, dakong 2:20 ng umaga.

Dinukot ng grupo si Edelyn Tulawie, at inang si Addang Tulawie.Matapos tangayin ang mag-ina, tumakas ang mga suspek patungo sa Bgy. Kamuntayan sa Talipao, base sa pahayag ng mga testigo.

Nang malaman ang insidente, nagsagawa kaagad ng hot pursuit operations ang militar at pulisya laban sa mga suspek upang mailigtas ang mag-ina, ayon sa Joint Task Force-Sulu (JTF-Sulu).

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Nonoy E. Lacson