MARAMI ang nagulantang sa sumabog na isyung nakawan sa pagitan ng mga beteranang aktres na sina Elizabeth Oropesa at Azenith Briones. Ilang araw na pinagpiyestahan sa showbiz ang pagkawala ng isang mamahaling alahas, na ipinagkatiwala ng una sa huli.

Elizabeth copy

Ipinabebenta ni Elizabeth kay Azenith ang nasabing alahas, pero binawi at basta kinuha na lang daw ito ni Elizabeth nang walang paalam sa bag na pinaglagyan ni Azenith. Dahil dito, nauwi sa away ang insidente, at nagpalitan na ng kung anu-anong hindi magagandang salita ang dalawa, huh!

Pero the other day ay napakinggan namin sa programa sa radyo ng mga katoto at kilalang entertainment writers na sina Gorgy Rula at Morly Alinio ang pag-aayos nina Elizabeth at Azenith.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Walang naganap na pagkikita ng dalawa at parehong nasa phone patch lang ang nagbabangayang aktres. Kahit parehong nasa telepono lang ay nauwi ‘yun sa paghingi ng tawad ni Elizabeth kay Azenith.

Kumbaga, diretsahang inamin ni Oropesa ang pagkakasala, at kaagad din namang nagpatawad si Azenith, na ngayon ay isa nang negosyante.

Tiyak namang matitigil na ang bangayan ng dalawa, dahil mismong sa ere na humingi ng tawad si Elizabeth kay Azenith. Inamin pa ni La Oro na hindi naman talaga tama ang basta na lang kukunin niya sa bag ni Azenith ang alahas nang wala mang pasabi.

“I really made a mistake. Inamin ko naman ‘yun. Nag-sorry ako sa phone. I never had any problems with regards to apologizing because I really made a mistake pagdating sa part na ‘yun,” sabi ni Elizabeth.

“Dapat talagang hinarap ko na lang siya at kinausap nang hindi ko na kinukuha ‘yung alahas ko. Eh, talaga namang napikon lang ako doon, talagang mali ako,”aniya pa.

Dagdag pa rin ng aktres, hindi na niya paaabutin pa sa demandahan ang lahat.

Sinabi rin naman ni Azenith na wala na sa kanya ang nangyari.

“Sa akin naman, eh, tama na nag-usap na kami. Sa akin, wala na ‘yun. Kung ang Panginoong Diyos nga nagpapatawad, ako pa kaya?”sabi ni Azenith.

-JIMI C. ESCALA