Bulagta ang isang pulis na sinasabing sangkot sa ilegal na droga makaraang pagbabarilin ng mga armado sa Barangay Daan Lungsod, Toledo City Cebu, nitong Martes ng gabi.

Sa report ng Police Regional Office-7, kinilala ang biktima na si PO2 Melchezedek Batomalaque na nakatalaga sa PRO-Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima mula sa pagdalo sa hearing nang paulanan ng bala ng mga suspek sa Sitio Kabangkalan, Bgy. Daan Lungsod, Toledo City.

Ayon kay SPO1 Roxam Eñero, ng Toledo City Police Office (TCPO) at dating kasamahan ang biktima, at ipinatapon si Batomalaque sa PRO-ARMM matapos masangkot sa droga.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Aniya, sakay ang biktima sa motorsiklo nang tambangan ng mga suspek na lulan din sa motorsiklo.

Narekober sa pinangyarihan ang tatlong empty shell ng caliber .45 baril at ang motorsiklo ni Batomalaque.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente.

-Fer Taboy