Muling ibinahagi ni Jemuel Muleta—ama ng limang taong gulang na batang binugbog, at winakwak ang tiyan, ang kasalukuyang kondisyon ng biktima.
Sa pamamagitan ng Facebook post nitong Lunes, Abril 6, 2026, nilinaw ni Jemuel na hindi umano na nawalan ng isang kidney ang kaniyang anak, taliwas sa nauna niyang pahayag.
“SALAMAT PANGINOON SADYANG KAY BUTI MO Sa sobrang tuliro namin medyo dina kame makausap nang maayus mali pagkakaintindi namin, safe yung kidney ni Francis bali BITUKA n’ya lang po yung nawala. Maraming Salamat po Panginoon,” saad ni Jemuel.
Matatandaang noong Linggo, Abril 5 nang ibinahagi rin ni Jemuel sa kaniyang social media account na sumailalim na sa operasyon ang biktima kung saan napag-alaman umanong iisa na lang ang kidney ng anak niya.
"Tinangal po yung mga sirang organ po sa katawan nya dahil sa nangyaring mananakit sa kanya nawalan po sya nang BITUKA at isa nalang po ang KIDNEY n’ya pero patuloy po syang lumalaban tinangal nadin po yung tubo sa bibig nya na tumutulong sa paghinga n’ya nakakahingan napo siya nang sarili nya medyo naninibago papo siya kaya may time na nahihirapan siya huminga," saad ng ama ng biktima.
KAUGNAY NA BALITA: 5-anyos na ginilitan at winakwak ang tiyan, matagumpay na sumailalim sa operasyon!
Nakatakda rin daw na sumailalim sa transplant ang biktima dahil sa pinsala sa kaniyang bituka.
"Pakatatag pa tayu anak gagaling ka din mag papa bowel transplant kapa para mabuhay ka nang normal," dagdag pa niya.
Samantala, nananatili naman sa kustodiya ng pulisya ang 20 taong gulang na suspek, na nakatakdang tuluyang masampahan ng kaukulang aso.
Ayon sa mga awtoridad, pinaghihinalaan umano nilang may kakaibang kondisyon ang suspek hinggil sa motibo ng ginawa niya sa biktima. Batay sa pulisya, tila balewala lang daw sa suspek ang pag-amin nito sa krimeng ginawa niya.
Lumalabas din sa imbestigasyon na kapitbahay lang ng bktima ang suspek at madalas din umano silang nakakapaglaro kasama ng iba pang mga bata sa kanilang lugar.
Noong Marso 31 nang matagpuan ang naghihingalong katawan ng biktima sa isang bakanteng lote sa Navotas City. Ginilitan ang leeg, wakwak ang tiyan habang nakalabas ang bituka at may mga tanda umano ng gulpi sa iba pang bahagi ng kaniyang katawan.