Nasa 20,000,000 million Japanese Yen, o P9,600,000 milyon, ang nasamsam mula sa Japanese na si Yuki Sakaguchi sa Mactan-Cebu International Airport sa pamamagitan ng X-Ray machine nitong Hunyo 12, 2018.

BAWAL, UNDECLARED! Ipinakita ni BoC Commissioner Isidro Lapeña ang nasamsam na 20-M undeclared Japanese Yen, o P9,600,000 milyon, mula sa isang Hapon sa Mactan International Airport, sa Cebu noong Hunyo 12, 2018. (JUAN CARLO DE VELA)

BAWAL, UNDECLARED! Ipinakita ni BoC Commissioner Isidro Lapeña ang nasamsam na 20-M undeclared Japanese Yen, o P9,600,000 milyon, mula sa isang Hapon sa Mactan International Airport, sa Cebu noong Hunyo 12, 2018. (JUAN CARLO DE VELA)

Bigo si Sakaguchi na ideklara ang kahit anong halaga bago makuha ang pera sa kanyang mga gamit sa paliparan at sinabi umano sa airport personnel na walang kinakailangan ideklara, kaya lumabag ang Hapon sa modernization and tarriff act section 1113 ng Customs.

Ang paglabag ay may kinalaman din sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular no. 922-2016 kung saan ang "A person may import or export, or bring with him into or take out of the country, or electronically transfer, legal tender Philippine notes and coins, checks, money order and other bills of exchange drawn in pesos against banks operating in the Philippines in an amount not exceeding PHP50,000 without prior authorization from the BSP".

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kasalukuyang iniimbestigahan ang Hapon.

Hawak ng Customs ang pasaporte at pera ni Sakaguchi at isasailalim sa due process. Nakapagpiyansa si Sakaguchi sa halagang P60,000 at inaasahang dadalo sa mga pagdinig ng kanyang kaso

-JUAN CARLO DE VELA