HAPPY si Luis Manzano dahil sa feedback na nakarating sa kanya hinggil sa pinupuri ngayong acting ng ama niyang si Edu Manzano sa Ang Probinsiyano.

Luis edu

Ayon kay Luis, ibang level daw ang pagiging aktor ng ama niya, huh!

P i n a g - u u s a p a n k a s i a n g ginagampanang papel ngayon ni Edu sa numero unong primetime teleserye. Puring puri kasi si Edu ng lahat na sumusubaybay sa serye, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kumbaga, ang papel ni Edu sa nabanggit na serye ay hindi basta-bastang ordinaryong role. Sinabi pa nga ni Luis na pakiramdam niya ay ngayon pa lang nagampanan ni Edu ang ganung role.

Siyempre, pinapanood daw talaga ni Luis ang Ang Probinsiyano, at marami nga raw sa mga kaibigan niya ang nagsasabing napakahusay daw talaga ni Edu at kakaiba ang ginawang pag-atake sa role nito bilang bise presidente ng Pilipinas.

Tutal ay nasa iisang network na silang mag-ama ngayon, wish ba ni Luis na makasama si Edu sa isang project?

“Oo naman. Sino ba namang aayaw sa isang Edu Manzano?,” natatawang balik tanong ni Luis.

Sa totoo lang naman, marami sa mga nakausap namin ang nagsasabing tama ang desisyon ni Edu na lisanin ang pagiging co-host ni Eugene Domingo sa Celebrity Bluff ng GMA Channel 7, huh!

At bagamat ayaw pang kumpirmahin ni Luis, may nakarating sa amin na almost sure na raw ang pagpasok ng TV host sa pulitika, huh

-JIMI C. ESCALA