NAG-POST si Ai Ai delas Alas na may pahiwatig na magbabakasyon muna siya sa pagiging manager ng grupong Ex Battalion. Nagiging pasaway na nga ba ang grupo at ubos na ang pasensiya ng Comedy Queen sa kanila?

Ai-ai at Ex-B

Napaulat na kapag daw may taping ay agad umanong itinatanong ng grupo ng rappers na nagpasikat ng Hayaan Mo Sila kung magtatagal ba ‘yun.

Hindi laking showbiz ang grupo kaya naman naninibago sila nang pasukin ang showbiz, na may sariling sistema.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Hindi langmanager ang role ni Ai Ai kundi para na rin siyang nanay ng limang miyembro ng Ex B. Gusto niyang maging disiplinado at propesyonal ang mga ito sa lahat ng bagay.

Palibhasa’y magkakaiba ng ugali kaya nagkakatampuhan minsan. May pagkakataon din umanong hindi nasusunod ang kagustuhan ni Ai Ai, na ikigagalit niya.

Agad namang nag-sorry ang grupo, at pinadalhan pa ng bulaklak ang kanilang nanay-cum-manager. Kalaunan, hindi na itinuloy ni Ai Ai ang balak niyang magbakasyon sa pagma-manage sa Ex B.

Sa July 14 gaganapin ang first major concert ng grupo, na may pamagat na Kami ng Ex B. Gaganapin ito sa Ynares Sports Arena, at syempre pa, may special participation ang Queen of Comedy.

-REMY UMEREZ