Pinagtibay ng Kamara ang House Bill 7496, na naglalayong tukuyin ang hangganan ng kagubatan o forestlands ng public domain para sa konserbasyon, proteksiyon, at development ng forest resources ng bansa.
Bumoto ang lahat 239 kasapi ng kapulungan pabor sa panukalang “Forestland Limits Act”, na inakda ni Rep. Maria Lourdes Acosta-Alba.
Isinasaad sa Section 4, Article 4 ng Constitution na may mandato ang Kongreso na tukuyin ng specific limits ng forestlands at national parks sa pamamagitan ng pagmamarka sa kanilang hangganan.
-Bert De Guzman