MAGBABALIK sa bansa ang American singer na si Charlie Puth para pasayahing muli ang kanyang Pinoy fans.

Charlie

Magkakaroon ng concert si Puthsa bansa at mabibigyan ng pagkakataon ang kanyang fans na mapakinggan nang live ang kanyang mga bagong awitin mula sa kanyang hit album na Voicenotes, sa Mall of Asia Arena sa Nobyembre 6.

Inihayag ng Attention singer sa kanyang Facebook page na dadalhin niya sa Pilipinas ang kanyang Voicenotes Tour, at sa anim na iba pang bansa sa Asia.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Pupunta rin si Puth sa Bangkok, Hong Kong, Seoul, Taipei, Singapore, at Kuala Lumpur.

Hindi pa nailalabas ang ticket prices para sa concert, as of writing.

Ang upcoming visit sa bansa ng singer-songwriter ang pangatlong beses na pagbisita niya sa Pilipinas. Una siyang nagpunta sa bansa noong 2015, at bumalik nang sumunod na taon para sa kanyang Nine Track Mind tour.

-Manila Bulletin Entertainment