Nagkanya-kanyang diskarte ang mga motorista sa pagpapakarga ng petrolyo sa kanilang sasakyan upang makatipid kasunod ng panibagong oil price hike sa bansa, sa pangunguna ng Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Shell, epektibo dakong 6:00 ng umaga ngayong Martes ay nagtaas ito ng 45 sentimos sa kada litro ng diesel at kerosene, habang 20 sentimos naman ang dagdag sa gasolina.

Asahan na ang pagsunod ng Flying V, Petron, Seaoil at iba pang kumpanya sa kahalintulad na dagdag-presyo sa petrolyo, na bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Mayo 29 huling nagpatupad ng dagdag-presyo sa petrolyo ang oil companies nang magtaas ng 65 sentimos sa gasolina, 45 sentimos sa kerosene, at 35 sentimos sa diesel.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Bella Gamotea