MULING pinatunayan ni Kyline Alcantara na kaya niyang mag-mall show mag-isa. Kahit wala siyang kasamang big star, walang dudang kayang-kaya niyang punuin ang mall na pupuntahan niya para mag-perform.

Kyline San Fernando, Pamp

Napatunayan ito sa mall show ng Kambal Karibal star sa Savemore sa Apalit, Pampanga. Sa rami ng tao, sa escalator na lang nag-perform si Kyline dahil pati stage, kung saan siya dapat magtatanghal, ay pinuwestuhan na rin sa dami ng tao.

Dahil d’yan, hindi na nakababa si Kyline at sa escalator na lang siya nag-perform, na okay naman sa kanyang fans para mas makita nila siya. In-off muna ang escalator para maging maayos ang pagtatanghal ng dalagita.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Base sa napanood naming video, siksikan ang mga tao habang nagkakantahan kasama ni Kyline.

Bale dalawa ang mall shows ni Kyline last Saturday, dahil nagtanghal din siya sa SM City San Fernando sa Pampanga. Dinumog din siya ng kanyang fans. Ang kaibahan lang, nakapag-perform sa stage si Kyline.

“Thank you so much to all of my Sunflowers here in Pampanga,” pasasalamat ni Kyline sa kanyang fans, na sunflowers kung kanyang tawagin.

Maraming request sa GMA Artist Center at sa management ni Kyline na sa kanilang lugar naman dalhin si Kyline, dahil gusto nilang makita nang personal si Cheska sa Kambal Karibal. Ang taping ng hit primetime teleserye ang problema kaya hindi kaagad mapagbigyan ang maraming request na sa kanila para dumayo ng mall show si Kyline.

The last time na nakabisita kami sa taping ng Kambal Karibal, four times a week na ang taping nila, at extended pa ang serye. Kapag nagtapos na siguro ang teleserye ay mapagbibigyan na ni Kyline ang maraming requests—iyon ay kung hindi siya agad bibigyan ng follow-up teleserye ng GMA-7.

Aabangan din ng kanyang Sunflower fans ang album niya sa GMA Records, at ang birthday concert niya sa September 1, na wala pang announcement sa venue

-NITZ MIRALLES