Dalawang helper , na hinihinalang mga adik, ang inaresto matapos masamsaman ng umano’y shabu sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Nakapiit sa Pasay City Police headquarters sina Reymark Dagsang, 24, binata, ng No. 2119 Aurora Street, Barangay 120, Zone 12, Pasay City; at John Patrick Cando, 31, binata, ng No. 2425 Aurora St., Bgy. 108, Zone 12 ng nasabing lungsod.

Namataan ang mga suspek ng mga nagpapatrulyang pulis sa Aurora St., Bgy. 108, Zone 12, dakong 2:50 ng madaling araw.

Sinita ang mga ito dahil sa hindi pagsusuot ng damit pang-itaas at nang kapkapan ay nakuha ang hindi pa mabatid na halaga ng umano’y shabu.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bukod sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), kakasuhan din ang mga suspek ng paglabag sa city ordinance.

-Bella Gamotea