INDIANAPOLIS (AP) — Ipinahayag ng Indianapolis Police na nabaril at napatay sa labas ng isang bar sa hometown Indiana City ang kapatid ni Sacramento Kings forward Zach Randolph.

Zach Randolph (nakaputi)

Zach Randolph (nakaputi)

Sa ulatm dakong 5:00 ng umaga nang matagpuan si Roger Randolph na nakahandusay at duguan sa pagitan ng dalawang nakaparadang sasakyan sa labas ng Hop’s Blues Room sa Marion, may 97 kilometro ang layo sa Indianapolis. Wala pang malinaw na dahilan na nakikita ang pulisya, ngunit naniniwala sila na isang kaso ng random attack ang insidente.

Ilang ulit na ring nasangkot ang 35-anyos na si Roger Randolph, kabialng ang shooting sa isang nightclub na ikinasugat ng tatlo katao noong 2004.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Nasentensyahan si Roger Randolph ng tatlong taong pagkabilanggo noong 2005.

Napaulat na nasa area rin si Zach Randolph nang maganap ang insidente. ngunit walang kasong isinampa laban sa kanya.

Si Zach Randolph ang premyadong player ng Marion High School sa State Championship nooong 2000 before heading to Michigan State University at naging miyembro ng Portland Trail Blazers, New York Knicks, Los Angeles Clippers at Memphis Grizzlies. Isa siyang two-time NBA All Star.