VATICAN CITY (Reuters) – Tinawag nitong Sabado ni Pope Francis labag sa batas ang pagpa-abort matapos madiskubre sa pre-natal tests ang posibleng birth defects na bersiyon ng pagsisikap ng Nazi na makalikha ng purong lahi sa pamamagitan ng pagbura sa pinakamahihina.

“Children should be accepted as they come, as God sends them, as God allows, even if at times they are sick,” sabi ni Pope Francis sa kanyang pagtatalumpati sa mga miyembro ng confederation of Italian family associations.

Binanggit niya ang pre-natal tests para alamin kung ang fetus ay mayroong anumang sakit o malformations.

“The first proposal, in that case, is ‘Should we get rid of it’? The killing of children. And to have a more tranquil life, an innocent is done away with,” aniya.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“I say it with pain. In the last century the whole world was scandalized by what the Nazis did to pursue the pureness of the race. Today, we are doing the same thing, with white gloves.”

Sa ilalim ng Nazi eugenics programs, daan-daan libong katao ang puwersahang ipina-sterilized at libu-libo pa ang pinatay sa pagtatangkang “linisin” ang chain of heredity ng mga mayroong physical o cognitive disabilities