SA post ng handler ni Rayver Cruz sa Star Magic ay malinaw na nagpaalam na nga sa ABS-CBN ang kanilang home-grown actor.

“Dasal ko ang patuloy mong tagumpay...mahal kita bro!!! Star Magic will definitely miss you!!!” post ng handler ni Rayver.

May humula na lilipat lang ng management si Rayver at nabanggit pa nga ang Cornerstone Entertainment. Marami rin ang naniniwalang lilipat sa GMA-7 ang aktor. Hinintay lang nito na matapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN at nagpaalam na.

Ang Bagani ang last teleserye ni Rayver sa Kapamilya Network.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

May nag-comment na dahil sa pag-ibig kaya nagdesisyon si Rayver na lumipat sa GMA-7 , kung saan nakakontrata ang girlfriend niyang si Janine Gutierrez.

Parang ang nangyari, kung hindi puwedeng lumipat si Janine sa Dos ay siya na lang ang lilipat sa Siyete.

Tuwang-tuwa naman ang JanVer fans na magkakasama na sa iisang network sina Rayver at Janine, dahil puwede na ring magkasama sa show ang magkasintahan.

Kaya lang, kailangan pa nilang hintaying matapos ang Victor Magtanggol na eere pa lang, dahil kasama si Janine sa cast ng action serye ni Alden Richards.

-Nitz Miralles