PINASAYA ni Sharon Cuneta ang fans nila nina Regine Velaquez, Sarah Geronimo at Anne Curtis sa post niyang series of photos nilang apat, nang magsama-sama sila sa burol ng ina ng Viva big boss na si Vic del Rosario.

Regine-at-Sharon

Caption ni Sharon sa picture nila ni Anne: “Mrs. Erwan Heussaff and Mrs. Sharon de Gong Yoo. Malinaw na malinaw na. Sa wakas, nagkita at nagtuos na rin kami ni @ annecurtissmith! Tanggap na niya na ako ang talagang mahal ni Gong Yoo kasi inexplain ko sa kanya ng mabuti. Sabi ko i-enjoy muna niya ang pagigig bagong kasal at ibigay na niya muna sa akin ang next 20-40 years tapos siya na kay Gong Yoo. Kasi sure naman kami na mauuna akong magmukhang raisin sa kanya kaya pagbigyan na muna niya ako at ibe-bless siya ni Lord!”

May post din si Sharon para kay Sarah: “Gusto ko sana may picture din kami ni Sarah na kaming 2 lang, kaya lang when she sang dumami na ang mga tao di ko na siya nahabol after!”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Magkayakap naman sina Sharon at Regine sa pictures nila na post ng Megastar. Sa isang photo, hinalikan pa ni Sharon sa cheek si Regine.

“Isang Sharonian at isang Regine-ian, nagkita. How many of us get to love and be loved by, and become friends with our favorite? You all know how much I LOVE Regine!!! And you all know that one of my biggest dreams is to share the stage with her 50/50! Movies, CDs, concerts—basta magkasama kaming dalawa! She and Ogie are two of my favorite artists. But much more important than that, they are two of my favorite people. Am so blessed to be able to call them my friends. What a couple. God bless you both and Nate. I love you my Reg!!!”

Sinagot naman ito ni Regine: “I LOVE YOU MORE MY MEGA!!! Ano ba!!!”

-NITZ MIRALLES