HANDA na si Angeles City chess champion Tiv Omangay sa pagsabak sa 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship na gaganapin sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City sa Hunyo 18-28 sa The Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Si Omangay, sariwa pa sa paghahari sa Elementary Division ng City Meet ng DepED, ay masisilayan sa Under 14 boys category na sinuportahan nina Angeles City mayor Ed Pamintuan, Vice mayor Bryan Nepomuceno, kap. Alexander “Guy” De Guzman at ng Angeles City Sports Office.

“We hope Tiv (Omangay) will perform well in the upcoming 19th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Age Group Chess Championship hosted by Davao City this month,” sabi ni Jose Fernando “Fer” Camaya, top player ng Angeles City, Pampanga.

Target ng Pinoy na maagaw ang overall title na matagal nang pinagharian ng Vietnam sa paglikom ng 83 gold, 37 silver at 29 bronze medal sa nakaraang edisyon sa Pahang, Malaysia

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!