NATULOY din si Lovi Poe sa “72 Hours” episode ng pelikulang Tres ng Imus Productions ni former senator Bong Revilla. Ang ex-boyfriend ni Lovi na si Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang bida sa nasabing episode, kaya may konting tuksuhan.

Jolo at Lovi

Post ni Jolo: “Hindi man kami nagkasama on a project for 10 years, she has made her mark in the industry as a multi-talented actress, Guess who will play SPO1 Jackie Dulay sa #72Hours.”

Nakakatuwang basahin ang comments ng followers ni Jolo, gaya ng dagdag na pampakilig daw sa movie si Lovi, dahil unang pampakilig si Rhian Ramos na kasama rin sa cast. Sexy daw si Lovi at isa siya sa magiging rason kung bakit nila panonoorin ang Tres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa isa pang post ni Jolo ng picture ni Lovi, ang caption, “Reunited ulit! Feels great to share the screen with this talented actress! @lovipoe”. Sinagot naman ito ni Lovi ng “Thank you so much, Jolo! So happy I got to work with you again after soo long!”

Ang cute ng comment na “Di ba mag-ex kau sir @jolo_revilla?”, na sinagot ni Jolo ng, “yes and we’re good friends.”

Kaya walang magiging isyu kay Jodi Sta. Maria ang pagsasama nila ni Lovi, na sure na hindi rin isyu sa BF ni Lovi na si Chris Johnson.

-Nitz Miralles