SANTA ANA, Cagayan – Nanatili ang dominasyon nina Lot Catubag at Karen Quilario, habang nakopo ng Malaysia ang men’ division sa Beach Volleyball Republic (BVR) International Santa Ana Open nitong weekend sa CEZA beach ground dito.

TINANGGAP nina Lot Catubag at Karen Quilario ng Davao ang premyo nang tanghaling kampeon sa women’s division ng Beach Volleyball Republic (BVR) International Santa Ana Open nitong weekend sa CEZA beach ground sa Cagayan.

TINANGGAP nina Lot Catubag at Karen Quilario ng Davao ang premyo nang tanghaling kampeon sa women’s division ng Beach Volleyball Republic (BVR) International Santa Ana Open nitong weekend sa CEZA beach ground sa Cagayan.

Hindi napukaw ang mainit na kampanya nina Catubag at Quilario sa hampas ng hangin at ulan dulot ng ‘Habagat’ para idispatsa ang tambalan nina DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-14, 21-14, para makumpleto ang sweep sa dalawang araw na torneo.

Nanaig naman sina Malaysian Raja Nazmi Hussin at Mohd Aizzat Zokri kontra kina Kevin Juban at Raphy Abanto ng University of Visayas, 21-17, 21-18,sa men’s class.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sina Catubag at Quilario, umusad sa Round of 12 sa katatapos na FIVB World Tour Manila Open, ang tinanghal na BVR national champion nitong Mayo sa Dagupan, Pangasinan.

Matapos mabigo sa unang laro kontra kina Jeremiah Barrica at Kevin Hadlocon ng Far Eastern University, kumabig ang Malaysian ng limang sunod na panalo tungosa gold medal win.

“Actually, it’s all about communication,” pahayag ni Aizzat, naguwi ng US$3,500 top prize.

Sa women’s semifinals, naisaayos nina Demontaño at Estoquia ang championship match kina Catubag at Quilario nang magwagi a tambalan nina Therese Ramas at Dij Rodriguez ng Harbor Pilot-Cebu, 21-16, 21-19. Namayani naman sina Catubag at Quilario kina Charo Soriano at Bean Tan ng Tuguegarao, 21-17, 21-18.