WHIRLWIND romance!

Pete at Ariana copy

Engaged na sina Ariana Grande at Pete Davidson, makaraan ang ilang linggong relasyon, kinumpirma ng People.

“It’s a recent engagement. They’re just two people who found love quickly and make each other happy all the time. They both started talking about it this past weekend. It’s nothing they’ve been hiding,” lahad ng source na malapit sa dalawa.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Hindi naman kaagad na nagpaunlak ng komento ang mga kinatawan nina Ariana at Pete, kapwa 24-anyos, nang hingian ng opinyon ng People.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa ilang linggo makaraang makipaghiwalay si Ariana sa rapper na si Mac Miller noong Mayo, at ipinahayag nila sa social media ang kanilang pagmamahal para sa isa’t isa.

Kinumpirma rin ni Pete na nakipaghiwalay na siya sa kanyang long-time girlfriend na si Cazzie David noong kalagitnaan ng Mayo.

Nitong nakaraang linggo, dumalo ang couple sa Kids See Ghost listening party nina Kanye West at Kid Cudi sa Los Angeles, kung saan namataang nagre-relax ang dalawa sa bonfire bash bilang selebrasyon sa pagre-release ng album ni Ariana.

Ilang source na ang nagsabi sa People nitong nakaraang buwan na ang kanilang relasyon ay “just started” at “very casual.”

Si Pete naman ay on hand sa pagsuporta kay Ariana nang magtanghal ang huli sa Billboard Music Awards. “After Ariana’s performance, they were backstage and he had his arm around her,” sabi ng onlooker sa People. “They seemed very lovey-dovey. He was hanging out with her and her friends with his arm around her. She seemed quite smitten.”