BAYAMBANG , Pangasinan - Pinag-iingat ng awtoridad dito ang publiko sa isang van na gumagala upang magnakaw ng mga gamit.

Ito ay matapos mabiktima ang mag-asawang sina Gener Ecalner, 43, photographer; at Jocelyn Ecalner, 42, negosyante, ng Bgy. Buayaen.

Anila, pinasok ng mga suspek ang kanilang bahay at tinangay ang kanilang gamit.

Sa imbestigasyon, nagtungo ang mag-asawa sa puwesto nila sa M.H. Del Pilar Street, bandang 6:00 ng umaga.

Pagbalik nila kinahapunan, isang van ang nakaparada sa tapat ng kanilang bahay at naroon ang kanilang mga gamit na aabot sa P800,000.

Probinsya

Babaeng customer, ninakawan ng lalaking pinagpalinisan niya ng aircon

-Liezle Basa Iñigo