Nalagay sa balag na alanganin ang isang negosyante matapos umanong magpakilalang pulis sa Muntinlupa City, nitong Sabado ng gabi.
Kinilala ang inaresto na si Ephraim Agbuya y Samera, 40, ng Grand Canyon, South Parkhomes, Barangay Tunasan ng nasabing lungsod.
Sa ulat nina SPO1s Fernando Niefes, Joseph Rosit at PO1 Earl John Aguila ng Muntinlupa City Police, nadakip ang suspek sa drug store na matatagpuan sa National Road, Bgy. Tunasan, dakong 9:00 ng gabi.
N a g p a p a t r u l y a a n g awtoridad sa National Road nang mamataan ang isang lalaking nakasuot ng PNP bull cap, PNP Athletic uniform, itim na jacket na may “PULIS” markings at tsinelas habang palabas sa drug store.
Agad nilapitan nina PO1s Soriano at Lineses ang inakalang kabaro at hiningan ng PNP identification (ID) card, ngunit nabigo ang suspek at umaming hindi siya alagad ng batas.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Articles 177 at 179 ng Revised Penal Code of the Philippines.
-BELLA GAMOTEA