Patay ang isang guwardiya nang barilin ng nakaalitang driver, na sanhi ng pagkakasugat ng huli matapos masaksak naman ng biktima sa Pasay City, nitong Biyernes ng gabi.

Dead on the spot si Rodrigo Opinaldo, 45, may asawa, ng Atayde Street, Block 5, Electrical Road, Barangay 191, Pasay City, sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Bantay-sarado naman ng pulisya sa ospital si Joel Lerios, 50, kapitbahay ng biktima, dahil sa mga saksak sa katawan.

Ayon sa Southern Police District (SPD), ang insidente ay naganap sa Atayde St., Block 5, Electrical Road, sa Bgy. 191 ng naturang lungsod, dakong 11:11 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nagkrus ang landas ng biktima at ng susppek dahilan upang maungkat umano ang matagal na nilang away hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sa gitna ng kanilang pagtatalo, biglang bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan si Opinaldo, na nakadampot ng kutsilyo at pinagsasaksak ang suspek.

-Bella Gamotea