Napaslang ng pulisya ang isang lalaking hinihinalang drug pusher habang kalaboso naman ang babaeng kasamahan nito, makaraang manlaban umano sa mga pulis sa Quiapo, Maynila, nitong Biyernes ng hapon.

Naisugod pa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ang suspek na si Jowel Guevarra Cruz, 46, ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Maynila ngunit dead on arrival na ito.

Arestado at ikinulong naman sa Manila Police District (MPD)- Station 3 ang kasamahan ni Cruz na si Margie Porio Ocasla, 24, ng Arlegui Street, Quiapo.

Sa inisyal na report ulat mula kay MPD-Station 3 commander Supt. Julius Caesar Domingo, dakong 4:00 ng hapon nang nakipagbarilan umano ang suspek sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) sa Villalobos Street sa Quiapo.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Una nang naglatag ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek at nagkabilihan umano ng P5,000 halaga ng shabu.

Gayunman, sinasabing nakahalata si Cruz na pulis ang katransaksiyon niya kaya nanlaban umano at napatay, habang naaresto naman si Ocasla.

-MARY ANN SANTIAGO