Pitong katao ang inaresto nang maaktuhan umanong nagsusugal at nahulihan pa ng hinihinalang droga ang isa sa mga ito, sa anti-criminality operation sa Makati City, nitong Biyernes ng gabi.

Nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti-Gambling Act) sina Efren Gamata, 33, construction worker, ng Barangay Guadalupe Viejo, Makati City; Jonelito Balili, 34, ng Bgy. Kapian, San Jose Del Monte, Bulacan; Roy Marcelo Salvador, 39, vendor, ng Bgy. Buloalto, San Miguel, Bulacan; Leo Villaluz, 44, construction worker; Eric Hernandez, 44; Marian Perina, 58; at Imelda Gula, 52, vendor, kapwa taga-Bgy. Guadalupe Viejo, Makati City.

Nadakip ng pulisya ang pitong suspek habang naglalaro umano ng tong-its at cara y cruz sa Laperal Street sa Bgy. Guadalupe Viejo, dakong 8:30 ng gabi.

Nagpapatrulya at nagsasagawa naman ng anti-criminality operation ang mga pulis sa lugar nang makatanggap ng impormasyon mula sa isang residente kaugnay ng sugalan, na kaagad na nirespondehan ng awtoridad.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Samantala, hindi naman matukoy na dami ng droga ang nakuha umano sa pag-iingat ni Gula.

-Bella Gamotea