ANG dami talagang project ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pamamahala ni Ms Liza Diño, dahil kamakailan ay nakipag-partner siya sa Korean Cultural Center in the Philippines (KCC) para sa Seoul International Architectural Film Festival (SIAFF) nitong Hunyo 1-3 sa Cinematheque, Manila.

Liza at Ice

Unang beses maipalalabas sa Pilipinas ang Architectural Film Festival, na layuning maipakita ang iba’t ibang gusaling nagtatampok sa kultura at kakayahan ng Korea at Pilipinas.

Ipinalabas sa naturang event ang dokumentaryong City Talks, sa pangunguna ni FDCP Chairperson Liza, kasama sina Direk Jeong Jae-Eun, Kim Young Woo, Kim Jeong-In, at Yun Jae Seon.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Umaasa naman ang mga nabanggit na maraming papabor sa partnership ng FDCP at KCC para sa mga susunod pang film festival.

Speaking of Ms Liza, suportado rin ng FDCP ang 2nd EDDYS (Entertainment Editors Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) awards night, na gaganapin sa The Theater, Solaire sa Hulyo 9, Lunes.

Sa Nominees Night ng 2nd EDDYS nitong Linggo, Hunyo 3, ay pumarada sa labas ng Valencia Events Place ang Wish 107.5 Bus ng UNTV. Nalaman naming kasama pala sa bucket list ni Ms Liza at ng asawang si Ice Seguerra ang makasakay at makakanta sa nasabing bus, kaya naman kaagad silang inimbitahang sumakay dito.

Napanood namin ang video ng dalawa, na kapwa kinikilig nang kinantahan ni Liza si Ice ng How Did You Know?, habang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko naman ang inawit para sa kanya ni Ice.

-Reggee Bonoan