Si Senator Antonio Trillanes 1V pa rin ang pinakaproduktibong mambabatas kung ang pagbabatayan ay ang mga inihaing panukala at resolusyon.

Batay sa ulat ng Senate Legislative Bills and Index Service, may kabuuang 332 bills at resolution ang naisampa ni Trillanes, sumusunod sina Sen. Joseph Victor Ejercito na may 258, Sen. Bam Aquino, 256; Sen. Joel Villanueva, 255; at Sen. Loren Legarda, 252.

Mula noong 14th Congress o 2007, nakapagsampa si Trillanes ng may 1434 bills at resolutions at nakapagpasa din ng 76 batas.

-Leonel M. Abasola
Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser