Patay ang isang lalaki makaraang madaganan ng puno sa General Santos City, South Cotabato, iniulat kahapon.

Sa report ng General Santos City Police Office (GSCPO), kinilala ang biktima na si Rogelio Tomes, ng Barangay San Isidro, General Santos City.

Sa inisyal na imbestigasyon, bumagsak ang puno ng Balete sa gitna ng matinding buhos ng ulan dulot ng bagyong Domeng at tiyempong dumaan ang biktima sakay sa kanyang bisikleta.

Isinugod sa ospital si Tomes ngunit hindi na umabot nang buhay.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Fer Taboy