ANUMAN ang kahinatnan ng kasong isinampa laban kay Frank Magalona, nakasuporta pa rin sa kanya ang nakababatang kapatid na si Elmo Magalona, sa lahat ng paraan.

Elmo copy

Nag-ugat ang kaso ni Frank nang hipuan niya umano ng puwet ang isang VIP host sa Revel Bar sa Bonifacio Global City, Taguig, madaling araw nitong Lunes.

Dahil sa nangyari, na-detain si Frank sa Taguig City Police matapos siyang ireklamo ng acts of lasciviousness.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Makalipas ang ilang oras, pinakawalan din si Frank pagkatapos ng imbestigasyon. Ibinaba rin ang reklamo sa kanya sa unjust vexation. Sa naging pahayag ni Elmo sa isyung kinasangkutan ng kanyang kuya, sinabi ng aktor na, “I really don’t have any comment kasi I wasn’t there. Pero I think he’s really doing something about it din naman.

“At the end of the day, he’s my brother and I love him and he has my support.”

Iginiit din ni Elmo na base sa pagkakakilala niya kay Frank, hindi raw magagawa ng kapatid ang ibinibintang dito.

“I don’t think so… I just really… I’m here for my brother if he needs me,” sabi ni Elmo.

Tahimik lang daw sa ngayon ang kanyang kapatid, kaya nalulungkot siya sa isyung kinasangkutan nito.

“Siyempre. Wala naman tayong gustong marinig na ganyan, pero ‘yun lang po masasabi ko,” ani Elmo, at binigyang-diin na kahit anuman ang mangyari ay susuportahan niya ang kanyang kuya.

“Kahit ano pong support... words of advice kung bakit siya napunta sa ganun or ganyan… Basta kailangan niya ako, I’ll be there for him,” pagtitiyak ni Elmo.

-Ador V. Saluta