HELMET, check! Riding boots, check! Riding jacket and pants, check!
Passport, check!
Sandali lang. Saan ba pupunta si Boy Commute at iniisa-isa niya ang mga bagay na ito?
Sa ika-11 ng Hunyo, bibiyahe si Boy Commute patungong East Europe, partikular sa Istria, Croatia.
Seryoso po ‘to, hindi biro.
Naimbitahan si Boy Commute ng Istrian Tourism Board bilang isang ‘influencer’ na posible umanong makatulong sa pagsusulong sa Istria bilang tourism destination.
Sa larawan pa lang, napakagandang lugar ang Istria. Ito ay matatagpuan sa kabilang bahagi ng Europe na hindi masyadong pinupuntirya ng Pinoy travelers.
Palaging bukambibig ng mga Pinoy ang Germany, France, Italy na matatagpuan sa East Europe.
Ang Croatia ay kalapit bansa ng Yugoslavia, Bosnia at Slovania.
Malalim at makulay ang kasaysayan ng Istria.
Tulad ng maraming bansa sa rehiyon, ilang ulit itong nasalanta ng serye ng digmaan.
Subalit ang nakabibilib sa bansang ito ay ang kahanga-hangang pagbangon nito sa kahirapan at kaguluhan.
Mahirap mapantayan ang kalinisan ng Istria. Kung titingnan mo ang kapaligiran sa lugar, batid mo agad na ang mga residente roon ay makakalikasan. Nagkalat ang malalaking puno na napapaligiran ng mga bahay at gusali na gawa sa tisa. Maging ang mga bundok ay sagana sa malalaking puno habang ang mga lansangan, na bagamat makikitid, ay maayos at malinis.
Bukod sa magagandang tanawin, kilala ang Istria sa paggawa ng ‘wine’ o mompo.
Isa sa mga pakay ni Boy Commute ang dumalo ng mga wine-tasting event bukod pa sa pagtikim ng iba’t ibang lokal na pagkain sa rehiyon.
Tatlumput-siyam na influencer mula sa iba’t ibang sulok ng mundo ang naimbitahan ng Istrian government, at masuwerte si Boy Commute na makabilang sa mga ito.
Naging batayan sa pagpili ng mga influencer na lalahok sa ikaapat na yugto ng Share Istria Project ngayong taon ang hatak ng mga ito sa social media.
Palakpak-tenga tuloy si Boy Commute dahil nakabilang siya sa hanay ng mga influencer na magtutungo sa Istria.
At marahil ay nagtataka kayo kung bakit motorcycle riding gear ang inihahanda ni Boy Commute sa kanyang biyahe. Ito’y dahil sa inalok siya ng isang grupo ng Slovanian at Croatian na sumama sa motorcycle ride sa pag-iikot sa Croatia sa loob ng 10 araw.
Exciting, ‘di ba?!
Marahil ay maraming matututuhan si Boy Commute sa pagbiyahe niya sa Istria upang maibahagi sa inyo.
Ito ang tunay na diwa ng moto tourism na matagal na itinutulak ni Boy Commute sa ‘Pinas.
-Aris Ilagan