SEOUL – Naglabas ng public apology para sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mga nabitawang masasakit na salita bunsod ng kanyang galit sa pang-aabuso sa ilang manggagawang Pilipino.

Inamin ng Pangulo ang kanyang pagkakamali kasabay ng pahayag na binabalak niyang bumisita sa Kuwait “even just for a few hours” para magpasalamat sa paglalagda sa labor protection agreement.

“I’d like to thank the government of Kuwait. And for the first time, I would say that I was harsh in my language, maybe because that was a result of an emotional outburst but I’d like to apologize now,” ani Duterte sa pakikipagpulong sa Filipino community sa South Korea nitong Linggo.

“I’m sorry for the language that I was using. I’m very satisfied by the way how you responded to the problems of my country,” aniya.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sa kanyang talumpati, binanggit ng Pangulo na binabalak niyang bumisita sa Kuwait matapos pagbigyan ang kanyang kahilingan na pagkalooban ng mas magandang kondisyon ang overseas Filipino workers doon tulad ng pitong oras na tulog, payagang gumamit ng cellphone, mahawakan ang kanilang passport, at proteksiyon laban sa pang-aabuso.

“I’d like to thank the Kuwaiti government for understanding us and keeping their faith us and practically gave to all of my demands,” ani Duterte.

“They all agreed and if true, which I have no doubt the Kuwaiti government will honor. In return, I’d like to go there even just a few hours to say maraming salamat,” dugtong niya.

Hindi binanggit ni Duterte ang petsa ng kanyang planong pagbisita sa Kuwait.

-Genalyn D. Kabiling