MULING nabigyan ng pagkakataon si WBO No. 3 at IBF No. 6 contender Vic Saludar na lumaban sa kampeonatong pandaigdig sa kanyang paghamon kay WBO minimumweight champion Ryuya Yamanaka sa Hulyo 13 sa Central Gym, Kobe Japan.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa world title bout ni Saludar makaraan siyang mapatigil ni dating WBO minimumweight champion Kosei Tanaka noong Disyembre 21, 2015 sa Aichi Prefectural Gym sa Nagoya, Japan.

Galing sa siyam na sunod na panalo si Yamanaka mula nang mabigo sa 8-round split decision sa beteranong Pilipino na si Roque Lauro noong Agosto 22, 2014 sa Central Gym, Kobe, Japan.

Kabilang sa mga tinalo ni Yamanaka bago maging kampeong pandaigdig ang mga Pinoy boxer na sina one-time world title challenger Ronnel Ferreras at ex-WBO minimumweight champion Merlito Sabillo na inagawan niya ng OPBF minimumweight crown.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

May rekord si Yamanaka na 16 na panalo, 2 talo, 5 pagwawagi lamang sa pamamagitan ng knockouts kumpara kay Saludar na may 17-3-0 marka na may 10 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña