MAY nagtanong na naman kay Kris Aquino tungkol kay Phillip Salvador. Bakit daw hindi siya nagagalit kay Phillip na walang ginastos sa pagpapalaki kay Joshua? Dapat daw magpasalamat si Phillip dahil hindi humihingi ng sustento sa kanya si Kris.

114

“No issue at all kasi hindi niya kami ginulo or ginamit pang-publicity. Kaya grateful ako...#peace,” sagot ni Kris.

Consistent si Kris ‘pag nababanggit o natatanong tungkol kay Phillip, na hindi sila ginugulo nito, kaya wala silang isyu o kontrobersiya sa ama ng kanyang panganay. Nagpapasalamat din si Kris na sinunod ni Phillip ang kanilang napagkasunduan.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Samantala, kahit nasa Tokyo si Kris, dahil doon nag-celebrate ng 23rd birthday si Joshua (na ngayong Monday ang birthday), nag-promote pa rin si Kris ng Star Cinema movie nila nina Joshua Garcia at Julia Barretto na I Love You, Hater.

Nag-post siya ng teaser ng movie ng mga eksena nilang tatlo, kasama ang eksenang nagkunwaring beki si Joshua para matanggap sa trabaho.

“This is the teaser of #joshlia’s I Love You hater w/ yours truly as Madam Sasha...showing this July 11, 2018 from @starcinema,” post ni Kris.

Teaser pa lang, nagandahan na ang mga nakapanood, at batay sa kuwento ni Kris, maganda at masaya ang pelikula, sa direksiyon ni Giselle Andres.

Kuwento pa ni Kris, mabusisi si Direk Giselle at nabanggit na, “I feel and see the three of us have chemistry.”

Naglabas na rin ng dalawang teasers ng movie ang Star Cinema. Pipili pa siguro sila ng official poster, marahil ‘yung mas magugustuhan ng moviegoers.

-Nitz Miralles