CABANATUAN CITY - Arestado ang dalawang delivery boy matapos maaktuhang humihithit ng umano’y marijuana sa isang mall sa Cabanatuan, Barangay H. Concepcion dito, nitong Sabado ng hapon.

Nalanghap ng security personnel ang usok na amoy marijuana at agad dinakma sina Nicole Sarmiento y Solomon, 20; at Christian Tomme, 17, kapwa ng Bgy. Buli, Muntinlupa City, at idiniretso sa police station.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

-Light A. Nolasco
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog