Ni Nora V. Calderon

NAALIW ang followers ni Glaiza de Castro sa kumakalat na photo nila ng Kapuso actor na si Renz Fernandez sa Instagram.

Renz at Glaiza

Sa post ni @renzmarionf, naka-pose sila ni Glaiza bilang sina Jack at Rose sa sikat na Hollywood blockbuster film na Titanic. Nagkasama ang dalawa sa taping ng episode na “Torete, Torete Sa ‘Yo” sa Wagas ng GMA News TV, at doon kuha ang naturang picture.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Caption ni Renz: “I’m the king of the world! Thanks to Contessa @glaizaredux we revemgers!”

Marami tuloy ang nag-comment na bakit daw hindi isama si Renz sa afternoon prime drama series na Contessa ni Glaiza.

Gusto raw nilang makita kung kakayanin ni Renz na labanan ang dalawang nag-aagawan sa puso ni Contessa na sina Jong (Jak Roberto) at Gabriel (Geoff Eigenmann).

Natandaan daw nilang maganda ang role ni Renz sa katatapos na The One That Got Away, at puwede raw na gumanap naman ngayon si Renz bilang BFF ni Contessa, para may comedy scenes naman sa serye.

Katwiran nila, masyado raw kasing seryoso lagi ang mga eksena ng Contessa, lalo ngayon na tuluy-tuloy na ang pag-aaway nina Contessa at Daniella (Lauren Young) makaraang magkapalit na ang kanilang mga boyfriend. Si Jong kasi ay ex-boyfriend ni Contessa, habang si Gabriel ay dating boyfriend ni Daniella, at mistulang parehong hindi tanggap ng dalawang dalaga ang nangyari.

Si Daniella nga pinagpanggap lang si Jong na boyfriend niya para inisin si Contessa, pero ang talagang gusto niyang maagaw sa dalaga ay si Gabriel. Ang dalawang lalaki kaya, sino kaya talaga ang gusto nilang maging girlfriends?

Araw-araw na napapanood ang Contessa sa GMA, pagkatapos ng Eat Bulaga.